Hey! Thanks for browsing. Enjoy. :)

 

TETRISSSS!


Yung tipong nag-aral ka ng todo-todo

tapos 75% ng lumabas sa exam eh wala sa inaral mo. At ang tokwa pa dahil, sa 10 subjects na nandun sa 100 items na exam na yun, ALGEBRA pa ang pinakamadali. :(

Hayyy. Ang passing score pa man din ng exam na yun ay 75/100. What is life. Ang hirap naman kasi talaga. Nagsiiyakan pa nga mga ka-batch ko kanina eh. Dun kasi nakasalalay kung makakapag3rd year kami. Ang sakit lang kung di kami papasa. Sayang yung dalawang taon na ginugol namin sa pag-aaral. Syempre pati din yung hira ng mga magulang namin sa pagpapaaral samin.

Basta, I did my best and I know that God will do the rest. 


Saan ba ako pupunta?

Ang hirap magdecide! Lalo na kung ang pera mo ay P1000 lang na good for two weeks. :(

  • Kasi dapat mamaya, manonood kami ng sine ng mga classmates ko nung HS. P252 yun! Bakit kasi walang hindi 3D! :(
  • Sa May 19 naman e pupunta ako sa WildLife chuchu. Kasi kelangan para sa forum na tumanggap sa kin bilang bagong staff. ><
  • Sa May 20 naman, may gath ng Applers! Hindi pa ko nakakaattend ni minsan dun. AT SOBRANG GUSTO KO TALAGA. 

Sa makatuwid. Pinili ko ang May 19&20. Malayo kasi sa Laguna ang Wildlife chuchu na yan pati din ang Megamall. Edi syempre kelangan ko ng pamasahe, pangkain, at emergency money. Kaya ayun. Makikita ko pa rin naman yung mga HS friends ko eh. Yung sa forum at Applers kasi ay puro internet friends ko kaya naisip ko na sila na lang muna ang pupuntahan ko dahil once in a blue moon lang kami pwedeng magkita ng mga yun. 

THE END.


Happy Birthday YAMADA ♥

Eto nanaman ang May 9 kung saan nagdadrama nanaman ako. Birthday mo kasi at ang sakit lang isipin na hindi pa kita nakikita sa personal. Alam mo yung feeling na halos 5 years na kitang inaadmire pero wala pa rin. Madalas talaga nawawalan na ko ng pag-asa na makita kita. Pero sige, VIP ka sa kin eh. Kaya TIWALA lang. Hay nako. Alam mo yuuuuuuuun! Crush na crush talaga kita. Bakit kasi hindi ako makapunta dyan sa Japan. Minsan talaga naiiyak ako kasi ang tagal ko ng naghihintay ng chance. Liliwanagin ko lang, mahal ko ang Japan di lang dahil sayo. Syempre, kultura nila e trip na trip ko din naman. 

Oh basta. Ano mang mangyare, sana mahintay mo ako. Basta wag ka talagang magpapaakit kina Yuto at Chinen at sa iba! Ingat ka palagi! Good luck sa career mo! Alam ko naman na mas magiging successful ka pa sa future. At sana din, sa future na yan e maging parte ako ng buhay mo kahit bilang isang kaibigan lang. Sige, God bless. :)

だいすき! ♥


kathangmakata replied to your post: Tamad

tinamad manuod ng avengers :( :))

Ay grabe. Sorry na nga!!! Ang init nung araw na nun eh. :P


Older entries →